FANDOM


Chuckberry J. Pascual Wiki

Chuckberry J. PascualEdit

Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang taga-Santa Rosa, Laguna.


Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at pandangal sa Ateneo de Manila High School.


Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J. Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class.


Marami na rin ang mga nailimbag niyang mga maikling kuwento. Pinakahuling lumabas ang "Kumpisal" sa Ani 36 (2011), "Lorenzo" sa Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko (2011), at "Mga Kotse Sa Airport" sa Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011). Kabilang din ang mga maikling kuwentong "Mananayaw", "Kantanod", "Ritwal", at "Sangandaan". Ilan pa sa kanyang mga gawa:


SHORT FICTION (2005-2010):
  • “Balita.” Philippine Studies volume 53 numbers 2-3. edited by Reyes, Soledad S. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2005.
  • Berde.” Likhaan 3: The Journal of Contemporary Philippine Literature. edited by Pantoja-Hidalgo, Cristina. Quezon City: UP Institute of Creative Writing, 2009.


CREATIVE NON-FICTION:
  • “Singkaw.” Likhaan 4: The Journal of Contemporary Philippine Literature. edited by Reyes, Jun Cruz. Quezon City: UP Institute of Creative Writing, 2010.


CRITICAL ESSAY (2008-2009):
  • “Pagmamapa ng Sinehan Bilang Espasyong Homoseksuwal sa Panitikang Bakla.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino volume 15 number 1-2. edited by Zafra, Galileo S. and Apolonio B. Chua. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 2009.
  • “Pagpasok sa Eksena: Ang Representasyon ng Loob ng Sinehan bilang Espasyong Homosexual sa Panitikan sa Dekada Nobenta.” Lagda: Journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. edited by Evasco, Eugene Y. and Will P. Ortiz. Quezon City: Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, 2008.
  • “Pagsulat sa kasaysayan: ang Rebolusyon at Digmaang Pilipino-Amerikano ayon sa mga liham nina Apolinario Mabini at Mariano Ponce.” Daluyan: Journal ng Wikang Filipino volume 14 number 2. edited by Zafra, Galileo S. and Apolonio B. Chua. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 2008.


Siya, kasama ang dalawa pang manunulat, ay sumulat at gumawa din ng isang dula na may pamagat na "Matyag" para sa ika-6 na Virgin Labfest, isang festival ng mga bago at hindi pa naitanghal na mga one-act plays na sinulat na parehong mga amateur at mga kilalang playwrights.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki